Nakuha ko lang ito sa e-mail, eh nakakatawa. Tawa na din kayo. Hehe.
1. Noong 1940's, kapag may bra ang babae, pinagbubulungan na at mababansagang malandi. Noon din ay may French perfume
na ang tatak ay Eclat (silent T). Kaya ang taong maarte ay tinawag ng mga Pinoy na Eclat (pronounce the T). Ngayon
kapag maraming tsetseburetse at kaartehan ganon din ang tawag, "Ang dami mo namang eklat." Kinalaunan, pinaikli pa
ang eklat at naging ek-ek- "Ang tagal mo namang magdesisyon kung sasama ka o hindi! Ang dami mong ek-ek!"
2. Noong elementary ako, uso pa ang Wakasan, sinusubaybayan ko ang nobelang Tubig at Langis; ang Movie Especial na
komiks kung saan kapanapanabik ang bawat eksena sa buhay ni Zuma na siya namang ama ni Galema. Sa komiks ang tawag sa
babaeng nagbebenta ng panandaliang aliw ay baylerina. Kinalaunan, naging belyas, tapos naging English,
hospitality girls tapos ngayon GRO.
3. Elementary ako nang makagisnan ko ang batiang "Give Me Five". Masyado yatang pormal ang handshake kaya "Give me
Five, Man" ang pumalit. Tuwang-tuwa ang mga magulang kapag natutunan ng kanilang anak na paslit ang mag-give me five.
Tapos sa mga American games, naging High Five o "Give me five, up here!" Hindi pahuhuli ang Pinoy basta galing sa
America. Ang "Give me five, up here" ay naging "Appear". Halos lahat yata ng Pinoy babies ganito ang series of
training, "Anak, where is the light; where is the moon?" Ang nadagdag, "Appear! Appear!" At dahil sa E.T. ni
Speilberg, "Align, Align!" Again, Tuwang-tuwa ang mga magulang.
4. Nang mag- Community Medicine ako noon sa isang slum area ng Sta. Ana, Manila. Ito ang top 3 gamit na hindi mawawala
sa mga bahay, gaano mang kaliit ang barung-barong:
1. Panyong may tatak na panalangin ng El Shaddai
2. Television
3. Karaoke.
Kakambal na ng Pinoy ang pagkanta. Noon, kapag nagkakantahan, gamit ay gitara at song hits (Jingle).
Napalitan ito nang 70's-80's ng minus one. Tapos, karaoke. Ngayon, videoke, at sa huling talaan ng pagkakaalam ko, 8
na ang namamatay sa "My Way". Naalala ko noong elementary pa ko, nagtayo ang kuya ko at ng kanyang mga kaibigan ng
isang Combo. Ngayon, ang tawag sa singing group ay--Band, hindi na Combo at ang Combo ngayon ay tumutukoy sa Jollibee
o McDonald's promo.
5. Sa PGH, may tinatawag na Central Block. Nandoon ang Radiology Department kung saan ginagawa ang mga X-rays,
Ultrasound, CT Scan at Radiotherapy. Dito ko naobserbahan ang evolution ng mga pinoy medical terms. May mga pasyente
o bantay na aking nasasalubong, ang madalas magtanong ng direksyon.
Mga Versions ng CT Scan: (Ganon na rin yon, no!)
1. "Dok saan po ba ang Siete Scan?"
2. "Doc saan po ba magpapa-CT Skull"
3. "Doc saan po ba CT Scalp"
4. "Doc saan po ang CT Scam?"
* Madalas akong mapagtanungan ng direction papunta sa Cobalt Room.
"Doc saan po ba ang Cobal"
Yes, laging walang T, marami na ang ginagamit na term ay Cobal. Saan napunta
ang "T". Marami din kasing nagtatanong, "Doc, saan po ba ang
papuntang X-Tray?"
Conclusion: Ang "T" ng Cobalt, ay napunta sa X-Tray.
* * 7:00 am. Nagbigay ang kasamahan kong doktor ng instruction sa bantay ng pasyente, "Mister, punta
po kayo sa Central Block at magpa-schedule kayo ng X-ray ng pasyente ninyo."
3:00 pm. Kadarating lang ng bantay. Nagalit na ang doktor, "Mister, bakit namang napakatagal ninyong bumalik?
Pina-schedule ko lang naman ang X-ray ah." Sumagot ang bantay, "Eh kasi po Doc, ang tagal kong naghintay sa gate,
haggang sabihin ng guwardiya na sarado daw po ang Central Bank kasi Sabado ngayon." (Nasa Roxas Blvd ang Bangko
Sentral ng Pilipinas, at sarado nga naman yon kapag Sabado, hihihihihi)
6. Nang mag-rotate ako as intern sa Pediatrics ng PGH, mahal na mahal talaga ng mga nanay ang kanilang mga anak na
may sakit. Pilit nilang tinatandaan ang mga gamot at tawag sa sakit ng kanilang anak.
Doktor: "Mrs. ano po ang mga gamot na iniinom ng anakniyo?"
Mrs 1: "Doc phenobarbiedoll po."
Doktor: "Ah baka po phenobarbital." (Gamot sa convulsion ang phenobarbital)
Doktor: "Mrs. ano po ba ang antibiotic na iniinom ng anak ninyo?"
Mrs 2: "Doc metromanilazole po."
Doktor: "Ah baka po metronidazole." (Gamot sa amoeba ang metronidazole)
Ang tawag sa recovery room ng PGH ay PACU (Post-Anesthesia Care Unit)
Doktor: "Mrs., tapos na po ang operasyong ng anak ninyo, punta na po kayo sa PACU.
Mrs 3: "Eh Doc, saan po sa Paco? Sa may simbahan po ba o sa may palengke?
Doktor: "Mrs. ano po ba ang sinabi ng dating doktor kung ano daw ang sakit ng inyong anak?"
Mrs 4: "Eh Doc sabi po niya Tragedy of Fallot.
Doktor: "Ah baka po Tetralogy of Fallot (Isang congenital Heart Disease ang Tetralogy of Fallot)
Biglang nagtatarang ang isang nanay at sumigaw.
Mrs. 5: "Scissors! Scissors! Nag-sciscissors ang anak ko, Doc!"
Doktor: "Nurse, diazepam please, nag-seizure ang pasyente!
Doktor: "Mrs. ano daw po ba ang sakit ng anak ninyo?"
Mrs. 6: May ketong daw po.
In-examine ng doktor ang balat ng pasyente. Wala siyang makitang senyales ng ketong. Tumawag
pa siya ng isang dermatologist para mag-examine nang husto . Wala talaga.
Doktor: "Mrs. sigurado po ba kayong ketong ang sakit ng bata?"
Mrs 6: "Eh iyon po ang sabi ng doktor niya dati. Mataas daw po ang ketong sa ihi dahil may diabetes."
Doktor: "Ah ketone po yon! (Ang positive ketone sa ihi ay senyales ng kumplikasyon ng diabetes.)
Doktor: (Sa buntis na mrs. na nagle-labor) "Mrs. pumutok na po ba ang panubigan mo?"
Mrs 7: "Eh Doc, wala naman po akong narinig na pagsabog." (Hanep!)
Galing sa e-mail at nakakatawa, kaya napagpasyahan kong ilagay dito:
NAAALALA MO PA BA ANG PANAHON NA...
1. Pogi ka kung kasama sa porma mo ang Sperry Topsiders, K-Swiss, Espadrilles (na pinilahan mo pa sa Whistle Stop o sa Cash and Carry), Tretorn o Dragonfly sneakers, puting Spartan sneakers, argyle socks, woven leather belts, Chaser, Lacoste, Ralph Lauren at iba pa, one-size-fits-all Hanes T-shirt na may dibuho ng iyong paboritong New Wave na banda, pabangong Chaps, Bowling Green, G! ray Flannel or Kouros, Denman brushes, Dippity Do o Dep hair gel, Bermuda shorts na may ternong plaid long- sleeves.
2. Macho ka kung ang porma mo ay parang kay Don Johnson ng Miami Vice at kung naglalaro ka ng football o nag-aaral ka ng tae kwon do o marunong mag butterfly kick tulad ni Ralph Macchio sa Karate Kid. Sobrang macho ka kung may pandesal ka sa tiyan habang nakasuot ng hanging shirt.
3. Maganda ka kung meron kang pencil-cut skirt (calf-length, tatlo hanggang apat na pulgada sa ibabaw ng bukong-bukong), pabangong Nenuco o De Ne Nes, kinulot na buhok a la Madonna o tinease na bangs na pinatigas ng Aquanet, shoulder pads ala Joan Collin a.k.a. Alexis Carrington in Dynasty), Benetton shirt, Esprit outfit at namimili ka ng gamit sa Sari-Sari, Tokyo Hannah,Tickles at Regina's sa Shoppesville.
4. In na in ka kung napuntahan mo ang mga concerts nina Mike Francis, Swing Out Sisters, Menudo, Earth, Wind and Fire, James Ingram, Genesis noong unang punta pa lang nila dito sa Pilipinas.
5. Sosyal ka kung malimit ka sa Jazz Rhythm & Booze at kumakain ka sa Cafe Ysabel, Bistro Burgos, Dean Street Cafe, Angelino's and East St. Lois, Cosmo and Kudo's at nag-babakasyon ka sa Matabungkay Beach Club o Baguio Country Clulb.
6. Wala pang videoke kundi karaoke.
7. Ang preso lang may tattoo.
8. Akala mo'y magkakatuluyan sina Ate Sienna at Kuya Bodjie sa Batibot.
9. Ang intindi mo ng LOL ay ULOL imbes na Laughing Out Loud.
10. Na-tsismis na bulati ang beef patty ng Jollibee.
11. Kinilig ka nang malaman mong ikakasal si Pops at si Martin.
12. Piso lang ang isang basong taho at kailangan mong magdala ng sarili mong baso kasi wala pang plastic cups no'n si manong magtataho.
13. Lechon Manok pa ang pinag lilihihan ng taumbayan.
14. Tarzan, Jojo, Bazooka Joe, Clover bits at Tootsie Roll ang pinagkakagastusan mo ng mga beintesinko mo.
15. Nagkakakalyo ka dahil typewriter pa ang ginagamit mo para sa mga school paper mo...kaya bentang-benta pa ang carbon paper at liquid paper.
16. Sa Ortigas Center ka tinuturuang magmaneho kasi puro talahib pa yon no'n.
17. Cool ang bumati sa iyong crush sa FM radio. -- "Grabeh! I would like to grit my crash...."
18. May mascot pa ang 99.5 RT na binebenta sa Gift Gate.
19. Baduy pa noon si Lea Salonga dahil sa That's Entertainment.
20. Iniisip mong dapat mag-retire na si Jaworski dahil kuwarenta na siya.
21. Egoy na egoy pa si Michael Jackson.
22. Si Harry Gasser ang newscaster ng bayan.
23. Kay Amado Pineda ka lang naniniwala pag ukol sa panahon ang balita.
24. Sintonado pa ang Eraserheads habang nag-ja-jamming sa Club Dredd.
25. Tinuruan kang mag-toning ng iyong nanay dahil kay Johnny Midnite.
26. Naglalagay ka ng pyramid sa tabi ng iyong unan para good vibes.
27. Nilalagyan mo ng watch-guard ang iyong Swatch.
28. Herbert Bautista ay isang politiko lamang sa iskwela.
29. P18 to $1 ang palitan sa black market.
30. May black market pa noon.
31. Illegal pa ang mga paputok.
32. Ang paborito mong tsokolate ay Chocnut at Mallows.
33. Drag race sa Greenhills at Corinthians.
34. Kumain sa Burger machine o sa Goodahhhh ng madaling araw.
Naabsuwelto na naman pala si Imelda para sa karamihan ng kanyang mga kaso. Sabi pa ni Madam, na nakamit na daw ang hustisya, at nagsalita na ang katotohanan.
Ang hirap paniwalaan. Bakit nga ba mas madalas na napupunta ang hustisya para sa mga mayayaman? Kahit na alam na siguro ng karamihan sa mga Pilipino ang mga kabuktutang ginawa nila Marcos noong panahon nila, wala pa rin silang mararamdamang parusa. Sabi niya, ano daw ang mananakaw nila, eh wala naman daw talagang nanakawin? Baligtad yata. Nang iwan nila ang bansa, said na ang kaban ng bayan, at yon ang panahon na wala nang makukuha.
Nakakapanglumo talaga ang balita na ito. At mas nakakapanglumo pa ay ang Ombudsman daw (ayon sa TV Patrol) ang nagpatigil sa kanyang mga kaso. At ito rin ang may hawak ngayon sa mga kaso ni Erap. Ano pa kaya ang maaasahan natin ngayon?
Matagal-tagal ko ring nakaligtaang magsulat dito sa Mga Guni-guni. Sa totoo lang, wala namang dahilan, wala lang ako yatang masyadong maisulat. Grabe, pinapanood ko ngayon sa telebisyon ang Whattamen, ang kanilang palabas para kay Rico Yan. Nakakagulat talaga ang pagkamatay niya, 'no? Hindi mo talaga aakalain. Sino nga ba ang makakalimot sa linya niya sa kanyang unang patalastas: "Half Italian, 1/4 German, at 1/8 Ilongga'ng nanay ko." Sayang siya. Batang-bata pa, at malusog naman kung iyong titingnan. Marahil ito nga ang dahilan kung bakit parang buong bansa ay nagulantang at talaga nga namang lahat halos ay ito ang bukambibig. Sa mga programang pangbalita nga, araw-araw na lang, meron ka talagang makikita para sa kanya. Umiiyak si Claudine, si Judy Ann, si Regine, maging si Mega nga, umiyak din kanina eh.
Aba, talo pa nga niya ang pagkamatay ni Levi Celerio, isa sa ating mga Pambansang Artista para sa Musika. Sabagay, may edad na nga si Mang Levi kaya siguro hindi na kagulat-gulat, pero ibang-iba talaga ang naging reaksyon ng buong bansa sa pagpanaw ni Rico Yan. Napakahaba ng pila sa labas ng kapilya sa De La Salle Greenhills, kung saan nakahimlay ang kanyang katawan.
At base nga sa mga balita, mukhang may katuturan naman ang pagkalungkot ng mga tao sa kanyang pagkawala. Hindi lang pala siya artista. Bukod sa pagiging negosyante, matuturing pa siyang pilantropo. Lingid sa kaalaman ng marami, noon palang nabubuhay pa siya, marami na siyang natulungan. Ang kanyang alalay, yaya, at pati na rin ang mga taong hindi niya kakilala.
Siguro nga'y marami pa siyang mararating. Sayang nga lang at hindi na natin malalaman kung ano pa ang maari pa sanang magawa ni Rico Yan. At siguro, kung meron tayong dapat matutunan sa pagkamatay niya, kahit na hindi man natin siya kakilala, ay na dapat nating gamitin ang ating buhay para sa kabutihan, at gawin natin ang lahat ng ating nais, at dapat gawin. At isa pa, para naman sa ating mga pamilya at kaibigan, dapat nating ipaalam sa kanila kung gaano sila kahalaga habang buhay pa sila. Sabihin natin ito at ipabatid sa kanila habang buhay pa sila, at maririnig pa nila at mararamdaman ang pagmamahal at pagpapahalaga.
Palaspas na pala bukas. Magsisimula na ang Mahal na Araw. Dahil sa karamihan sa mga Pilipino ay Katoliko, ito ang isa sa mga panahon na halos lahat ay nagbabakasyon. Kasi naman, kapag Miyerkules Santo ba o Huwebes Santo ay wala nang pasok ang mga opisina. Sabi nila, para daw maobserbahan ang Mahal na Araw.
Pero ano nga ba ang ginagawa ng mga Pilipino pag Mahal na Araw? Sari-sari. Merong ibang mga deboto na nagpapapako sa krus; meron namang sumusunod sa mga prusisyon o kaya'y sumasali sa pabasa. Meron din namang mga nanonood ng senakulo. Ang iba'y ginagamit talaga ang panahong ito para sa mataimtim na pagdarasal at pagninilay-nilay sa kanilang mga kasalanan at sa paghingi ng patawad para dito.
Samantala, karamihan naman, kaya mahal ang mga araw na ito, ay dahil sa ito lamang ang pagkakataon nilang makapagbakasyon. Kaya hindi nga ba't napakalakas ng bentahan ng mga tiket sa bus, tren, at eroplano pagdating ng Semana Santa? Nagsisiuwian sa mga probinsiya ang mga tao, o di kaya nama'y magpupunta lamang sa mga pasyalan, o kaya sa mga bakasyunan tulad ng Boracay, Puerto Galera, Davao, Subic, Cebu, at kung saan-saan pa. Hindi mo rin naman sila masisisi dahil sa para sa marami, ito lamang ang pagkakataon nilang makauwi sa kanilang probinsiya.
Ikaw, ano naman ang nakagawian mong gawin kapag Mahal na Araw?
Ang Mga Guni-guni ay isang pahina na naglalaman ng
mga saloobin ng may-akda sa wikang Filipino, Ginagamit lamang ang Ingles
sa mga pahinang ito sa pagkakataong walang salin ang mga salitang
kailangan sa wikang Filipino. Iba-iba ang mga paksang
napapaloob dito, at ang lahat ay pawang mga saloobin, opinyon, at
pananaw ng manunulat.
Itago ninyo ako sa pangalang Kris. Isang dalampu't
tatlong gulang na babae na ipinanganak at lumaki sa Pilipinas,
naniniwala siyang mahalagang patuloy na pagyamanin ang kulturang
Pilipino sa anumang pagkakataon.